10 Uncommonly Used Filipino Words

  • Durungawan- bintana
close up photography of hand near window
Photo by Renato Mu on Pexels.com
  1. May nakita akong nakakatakot na mama kanina na sumilip sa durungawan.
  2. “Pakisara nga ang durungawan nang di pumasok ang ulan.”
  3. Siya ay palaging nakadungaw sa durungawan tuwing siya’y malungkot.
  • Hidhid- makasarili

Related image

  1. “Napaka-hidhid mo namang tao, di mo man lang naiisip ang nararamdaman ko!”
  2. Kailan man ay di naging tama ang pagiging hidhid.
  3. Ang pinaka ayaw ko sa isang tao ay ang pagiging hidhid.
  • Masimod – matakaw
photo of woman eating pizza
Photo by nappy on Pexels.com
  1. Si Neo ay isang masimod na tao.
  2. Sa kanyang pagiging masimod, pati baon ko ay kinakain niya rin.
  3. Hindi mo mahahalata sa kanyang katawan na siya’y isang masimod na tao.
  • Dumatal – dumating
adult analogue break focus
Photo by rawpixel.com on Pexels.com
  1. “Antagal naman dumatal ni Nats, dalawang oras na akong naghihintay.”
  2. Huli na ang lahat nang siya ay dumatal kaya’t di na niya nailigtas ang kaniyang kaibigan.
  3. Hindi dumatal si Kanne sa selebrasyon ng aking kaarawan.
  • Kumakandili – nagmamalasakit
adult business close up friendship
Photo by Pixabay on Pexels.com
  1. Siya ay labis na kumakandili sa kaniyang pamilya.
  2. Kumakandili si Paul sa batang lansangan na nakita niya sa may plaza.
  3. Si Keanu ay kumakandili sa pamilyang kumupkop sa kaniya simula noong bata siya.
  • Salipapaw- eroplano
flight sky clouds aircraft
Photo by Tookapic on Pexels.com
  1. Ang salipapaw ay bumagsak sa pinakamalalim na parte ng dagat.
  2. Siya ay takot sumakay ng salipapaw.
  3. Simula bata ay pangarap ko na ang magmaneho ng isang salipapaw.
  • Batlag – kotse
red coupe near trees under white clouds
Photo by Jose Mueses on Pexels.com
  1. Si Gelo ay bumili ng pinakabagong labas na batlag.
  2. Nagasgasan agad ang kaniyang bagong bili na batlag.
  3. Dalawang batlag na nagbanggaan ang nagging sanhi ng trapiko kanina.
  • Agsikapin – inhinyero
man wearing white hard hat leaning on table with sketch plans
Photo by rawpixel.com on Pexels.com
  1. Pangarap niya ang maging isang mahusay na agsikapin balang araw.
  2. Isinakripisiyo niya ang kaniyang pangarap na maging isang agsikapin para mapag-aral ang kaniyang kapatid.
  3. Pagiging agsikapin ang kaniyang ikinabubuhay.
  • Naapuhap – nahanap
selective focus photo of magnifying glass
Photo by fotografierende on Pexels.com
  1. Naapuhap ko ang aming pusa sa ilalim ng lamesa.
  2. May naapuhap akong isang libo sa ilalim ng kama nang ako’y naglinis ng bahay.
  3. Naapuhap na ni Bianca ang taong kaniyang mamahalin habambuhay.
  • Sapantaha – hinala

cats.jpg

  1. Walang magagawa ang iyong mga sapantaha kung wala kang ebidensiya.
  2. Sapantaha ko na siya talaga ang ugat ng mga pangungurakot sa ating bayan.
  3. Maraming namamatay sa maling sapantaha.

Leave a comment